Thursday, March 10, 2005

Gulag ng Pag-ibig

Suntok sa moog na katotohanan
Umagos ang mainit na dugo ng hinagpis
Habang ang yelo ng panaginip
Ay unti-unting natutunaw ng mapait
Na telesine ng realidad

Subalit bawat ngiti mo ay isang magnet
Upang akoy gumewang gewang sa
Katinuan. Bakit nga ba ganito ang
Udyok ng tadhana…..

Habang ikaw ay walang pakialam sa musika
Ng aking panibugho
Ako ay isang presong nagdurusa sa
Selda ng kabaliwan….

0 Comments:

Post a Comment

<< Home