Anti Burgis I
Pawis na malapot ang puhunan
Ang galit na araw hindi alintana
Ngawit sa balakang hindi pansin
Ang himig ng hangin ang kalaguyo
Ng hele ng tagak at pipit at maya
Ngiting matamis pantawid sa uhaw
Mahinahong mukha pamatay sa gutom
Mata’y hindi magkamayaw, pagmasdan
Ang gintong lupaing hitik sa pag-ibig
Ating pagsaluhan, ating pagtulungan
Ang palay ng buhay ay anahin na!
(San ka makakita na burgis na mag-aapreciate ng kabukiran?)
Ang galit na araw hindi alintana
Ngawit sa balakang hindi pansin
Ang himig ng hangin ang kalaguyo
Ng hele ng tagak at pipit at maya
Ngiting matamis pantawid sa uhaw
Mahinahong mukha pamatay sa gutom
Mata’y hindi magkamayaw, pagmasdan
Ang gintong lupaing hitik sa pag-ibig
Ating pagsaluhan, ating pagtulungan
Ang palay ng buhay ay anahin na!
(San ka makakita na burgis na mag-aapreciate ng kabukiran?)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home