Thursday, March 10, 2005

Agam Agam

Sa kaibuturan ng kadilimang bumalot
Sa isang buhay na masalimuot
May isang munting lamparang kukurap-kurap
Upang tanglawan ang sarap sa gitna ng paghihirap

Nais unawain ang tunggalian
Lapatan ng konkretong katinuan
Ang araw-araw na pakikipagsapalaran
Sadya nga bang puro tarantahan

Heto’t nakapiit sa selda ng katanungan
Upang lumaya, kailangang gapusin?
Upang mabuhay, kailangang utasin?
Upang yumaman, kailangang goyoin?

Ang trabahong selda ng kawalan –
Ng pagpapaunlad sa aking sarili –
Ay kailangan upang maibsan ang kawalan –
Ng pangmortal na pangangailangan..

Subalit ako’s isang mortal lang
Kaya madaling bumigay sa pagsubok?
Mahina at mapait at mapusok
Kaya kalayaa’y pinanghihimasukan?

O sadyang yanong duwakang?
Ayaw harapin ang hatol ng tadhana
Kuntento na sa aircon na selda
Kaya puro dahilan ang ipinaparada?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home