Eksenang Weekend
Halakhakan
Di magkamayan
Wento dito, wento duon
Wa paki sa langitngitan
Ng plastic, dilaw na upuan
Biglang katahimikan
SINGLE JOKER!
Haluan na naman
Umalingawngaw ang umpugan
Ng mga pitsang alipin
Ng mga kamay na ligong-ligo
Ng nikotin
O nikoting dinapuan ng kamay?
Tama na yan
Hagis na dice
Ayan…. BISAKLAT!
Tapos ang high
Tang-na, one-way ito
Puro dukot, parang cowboy
Na mabilis ang pagbunot
Sa bulsa.
Hagis muli, tabla muna
Biglang katahimikan
May anghel na dumaan
Kung itim o puti ang suot
Di ko alam
Biglang umentra ang miron
Sa bagong hiwalayan blues
Lahat ng version napag-usapan
Lahat ng alternatibo napagmunian
Daig pa ang sensitivity analysis
O comprehensive socio and economic behavioral study
Ng dumagundong ang lamesa
SYETE PARES!
Ano na naman? Malas ba sa bekata, wakali, kodli?
Baka kailangang balasahin muna
Tayo at ihi muna, baka sa susunod
Eskalera na ang paparating –
Sa kalaban, no joke pa!
Di man lang maka-espera
ISA NA DITO, MALAS AKO.
Di magkamayan
Wento dito, wento duon
Wa paki sa langitngitan
Ng plastic, dilaw na upuan
Biglang katahimikan
SINGLE JOKER!
Haluan na naman
Umalingawngaw ang umpugan
Ng mga pitsang alipin
Ng mga kamay na ligong-ligo
Ng nikotin
O nikoting dinapuan ng kamay?
Tama na yan
Hagis na dice
Ayan…. BISAKLAT!
Tapos ang high
Tang-na, one-way ito
Puro dukot, parang cowboy
Na mabilis ang pagbunot
Sa bulsa.
Hagis muli, tabla muna
Biglang katahimikan
May anghel na dumaan
Kung itim o puti ang suot
Di ko alam
Biglang umentra ang miron
Sa bagong hiwalayan blues
Lahat ng version napag-usapan
Lahat ng alternatibo napagmunian
Daig pa ang sensitivity analysis
O comprehensive socio and economic behavioral study
Ng dumagundong ang lamesa
SYETE PARES!
Ano na naman? Malas ba sa bekata, wakali, kodli?
Baka kailangang balasahin muna
Tayo at ihi muna, baka sa susunod
Eskalera na ang paparating –
Sa kalaban, no joke pa!
Di man lang maka-espera
ISA NA DITO, MALAS AKO.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home