Sunday, October 23, 2005

Katanungan ni MAS

Ililista ko dito ang mga mumunting katanungan ng murang pag-iisip ni Franz Kyros, na matagl ko na gustong gawin (na inumpissahan ko na nung May, pero nagiging pattern na yata dito ang mga pangakong walang katuparan -- wala na nga pera wala pa ring wento, tang-na). Kung sino man ang makakapagbasa dito, patulong nama sa pagsagot.

1) Tumatae din ba sila wonderwoman? Superheroes sila di ba?
Galing ni Mas. Biruin mo, ayon kay Milan Kundera, sa Unbearable Lightness of Being, matagal ding pinagdebatihan kung umeebs ba si Jesus Christ. Daming theologians ang nagsambit ng kanilang kuro-kuro. Ang pag-ebs nga naman ay maaring mangahulugan na hindi sya lubos na dyos. Ewan ko kung anong naging kasagutan ng Vatican dyan. ewan ko rin kung umeebs si Wonderwoman, di ko rin alam kung umuutot sya.

2) Bakit mali ang speling ng grin sa grin department. Di ba ang berde ay spelled "green."
Pinaliwanag ko na ang grin ay iba sa green. Ang grin ay ang pagngiti. Di ba ang ngiti ay smile? Pero grin din un, magkamukha ang ibig sabihin nun. 'Bat nga naman di na lang smile, kelangan pa ng salitang grin kung pareho din lang naman yun. (Pero gusto nya yung count to 10 ng grin department).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home