Thursday, March 10, 2005

FOR: Trillanes, Gambala, et. al

FOR: Trillanes at Gambala, et. al

Kahit pa sabihin nilang
The end does not justify the means –
Na lubos kong pinniniwalaan –

Kahit na ang dulot ng pag-aaklas
Ay pagsubasob ng ekonomiya –
Na lalong hagupit sa mahihirap –

Kahit na may kumakalat na
May nilikom kayong pondo –
Mula sa mga taong swapang –

Nanatili akong naniniwala
Na ang inyong aksyon ay isang
Tulak ng idealismo –

Idealismo. Pundasyon ng hindi makasarili
Kaakibat ng mga kabataan
Isang suryal na panaginip sa iba
Dambana ng kagitingan sa kin.

Kung lahat lang magiging idealistic
Malamang wala ng mutiny
Wala na ring mapaniupil ng institusyong
Kagaya ng kinapapalooban ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home