Monday, November 14, 2005

The Lost Key

Habang ang kadiliman ay naghihilik sa kalaliman ng gabi, Isang taong parang pinukpok na hito ang aligagang lumapit sa posteng nagsisilbing tanglaw sa karagatan na itim. Lingon dito, lingon duon, minsang kapkapin ang bulsa, minsang huminto't mananatili at parang uusisain ang -- isang balat ng kendi lang pala. Hindi ko na kinaya at nilapitan ko siya.

Kaibigan, ano ba ang iyong hinahanap, kanina ka pa ikot ng ikot diyan sa may poste.

Nalaglag ang susi ko sa aking bahay kanina habang ako'y naglalakad pauwin, ang mahinahon ngunit matamlay niyang sagot.

Nako, sige tulungan kitang maghanap. Mga anong oras kaya ito nalaglag.

Bandang alas nuebe siguro, pagbaba ko ng dyip.

Pero wala namang dyip na dumadaan dito. Dun pa sa kanto ang sakayan ng dyip.

Oo nga pero madilim sa kanto, walang ilaw kaya dito ko na lang ito hinahanap.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home